
Isang oras bago ang premiere night ng My Lady Boss, napakarami nang nag-aabang na makita sa red carpet ang Kapuso stars na sina Richard Gutierrez at Marian Rivera. Pagdating ng lead stars ay naghiyawan ang mga fans and supporters ng dalawa. Lahat ay excited sa pangalawang movie team up nina Richard and Marian.